P5-K CHALK ALLOWANCE, IBIBIGAY SA MGA GURO

CAUAYAN CITY – Mabibigyan ng P5,000 chalk allowance ang mga guro na nasa pampublikong paaralan simula Lunes, ika-29 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Ito ang tiniyak ni DepEd Secretary Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara sa kanyang mensahe noong Hulyo 23 sa Mandaluyong City.

Siniguro din ni Sen. Angara, na tax free ang kanilang matatanggap na chalk allowance at dodoblehin na maging P10, 000 sa mga susunod na school year alinsunod sa Kabalikat sa Pagtuturo Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.


Layunin ng batas na ito na matulungan ang mga guro sa mga pangangailangan at tustusin nila para sa pagtuturo araw-araw.

Facebook Comments