P5-M BARANGAY HALL SA CAUAYAN, MALAPIT NANG MATAPOS

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan ang konstruksyon ng bagong barangay hall sa Brgy. San Antonio, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Roosevelt Perido Jr., buwan ng Abril ng simulan ang pagpapatayo ng nasabing barangay hall at aasahang matatapos ito sa buwan ng Setyembre ngayong taon.

Aniya, limang milyong piso ang inilaang badyet para sa pagpapatayo ng nasabing proyekto.


Gagawing health center naman ang dating barangay hall habang sa taas ay gagawing silid-aklatan upang may magamit ang mga mag-aaral.

Sa ngayon, nasa apatnapu’t limang porsyento na ang natapos sa nasabing proyekto.

Facebook Comments