Umaabot na sa 19,000 mga mangingisda ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro, habang 5 milyon piso kada araw ang nawawalang kita sa fishefolks.
Ito ay ayon kay Nazario Nazer Briguera ang Chief Information Officer ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Laging Handa briefing.
Ayon kay Briguera, kaugnay nito ay patuloy ang pagbibigay ng cash for work program sa mga apektadong mangingisda at iba pang indibidwal.
Samantala, sa kabila naman ng fish ban sa Oriental Mindoro at mga lugar na may oil spill, stable naman ang supply ng isda lalo na sa Metro Manila taliwas sa mga lugar na apektado nito.
Facebook Comments