Aabot sa 2.5 tonelada o katumbas ng 5 million pesos na smuggled veterinary medicines o mga gamot para sa hayop ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC).
Ang nasabing kontrabando na nagmula sa India at dumating sa Manila International Container Port ay ideneklarang mga latex gloves.
Agad namang kinumpiska ng Customs ang kontrabando, base sa bisa ng Warrant of Seizure Detention dahil sa paglabag sa Section 1113 at Section 1400 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Nilinaw ng BOC ang mga importer na lahat ng importasyon ng mga gamot, pangtao man o panghayop ay ipinagbabawal sa ilalim ng batas
Maliban na lamang kung kumpleto ito ng mga kaukulang permit mula sa mga ahensyang may kontrol o hurisdiksyon dito.
Facebook Comments