P5 TAAS SINGIL SA PAMASAHE NAKATAKDANG HILINGIN NG TRANSPORT SECTOR SA PANGASINAN

Nakatakdang magpulong ang mga sektor ng transportasyon ngayong araw ika-12 ng Pebrero upang pag-usapan ang nakabinbin na petisyon para sa taas pasahe.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao sinabi nito na magkakaroon ng pagpupulong ngayong araw kaugnay sa nasabing petisyon.

Sa ngayon aniya ay magkakaiba ang hinihiling na taas pamasahe kung kaya’t napag kasunduan nila na gawin na lamang itong pare-pareho at igagaya nalang ito sa Metro Manila transport na humihingi ng limang pisong taas pamasahe.

Matagal na din aniya na hindi nagkaroon ng taas pamasahe sa hanay ng transport kung saan ay maglilimang taon na aniya.

Samantala, hiniling naman nito sa mga commuters na nakakaranas ng mataas na pasahe o over charging na idulog sa kinauukulan dahil wala pang aprubadong pamasahe hanggang sa ngayon. | ifmnews

Facebook Comments