P50.3M halaga ng marijuana sa Kalinga, sinunog

Photo by PDEA-CAR

Sinira ng awtoridad ang higit P50.3 milyon halaga ng marijuana sa 18 planta sa probinsya ng Kalinga sa loob ng tatlong araw na operasyon.

Nasa 251,500 pananim na marijuana ang binunot at sinunog mula sa mga lupa sa Loccong, Tinglayan na umabot sa 18,300-sqm, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera.

Sa hiwalay na operasyon naman nitong Martes, sinunog din ng awtoridad ang nasa 250 halaman ng marijuana sa 50-sqm site sa Palina, Kibungan sa Benguet.


Ang isinagawang operasyon ay bahagi ng kampanyang “Oplan Weed Wrecker” na sinimulan sa naturang probinsya ngayong taon.

Kabilang ang Tinglayan at Kibungan sa mga nangungunang pinagkukunan ng marijuana sa rehiyon, na umaabot pa sa Visayas, ayon sa PDEA-CAR.

Facebook Comments