Aabot sa 10 tonelada ng “giant clams” o taklobo na nagkakahalaga ng P50 milyon ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa isang lokal na merkado.
Ito ay matapos mahuli ang suspek na iligal na nagbebenta nito sa buy-bust operation sa Brgy. Pagatban, Bayawan City, Negros Oriental kahapon.
Kinilala ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang suspek na si Ricarido Santiana Dela Cruz Jr. na hinuli matapos na magbenta ng 1,000 kilo o isang tonelada ng taklobo sa mga operatiba sa halagang 5 milyong piso.
Ayon kay Sinas, ang mga nakumpiskang taklobo ay pag-aari ng isang Yan Hu Liang alyas Sunny, na at-large pa sa kasalukuyan.
Sinabi ni Sinas na kung ibebenta ang nakumpiskang 10 tonelada ng taklobo sa international market, ito ay nagkakahalaga ng P918 milyon.