P50-M na pabuya kaugnay sa Batocabe slay case sa testigo dapat mapunta – PNP

Kung ang Philippine National Police (PNP) ang tatanungin sa testigo dapat ibigay ang 50 milyong piso na pabuya sa kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, ang testigo kasi ang naging susi sa pag-usad ng imbestigasyon.

Sa ngayon si Emmanuel Judavar ang hawak na testigo ng PNP laban sa kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na di umano ay mastermind sa pagpatay sa kongresista.


Si Judavar ay pinagkakatiwalaang aide ni Daraga Mayor Baldo na siya namang nagturo sa 7 suspek kabilang na gunman at mastermind di umano sa krimen.

Sa reward na 50 milyong piso, 20 milyon dito ay ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte habang ang 30 milyong piso ay pinag-ambagan ng mga kongresista at local na pamahalaan ng Albay.

Facebook Comments