Kaugnay n’yan, ayon naman sa ilang mga mamimili sa Cauayan City Market at maging sa ilang mga malalaking grocery store sa lungsod, kakasya lamang umano ang P500 kung ang isang pamilya ay tatlo lamang ang myembro.
Kung iisipin umano hindi pang Noche Buena kundi pang ‘meryenda’ lamang ang makakaya ng P500.
Ayon naman kay aling Cresencia Domingo, hindi na talaga maitatangging halos wala ng nabibili kahit pa ang P1,000 ngayon dahil sa mahal ng mga bilihin.
Samantala, ayon naman kay Frechel Umaguing ng DTI Negosyo Center Cauayan, nauna na umanong nagsagawa ang ahensya ng Noche Buena monitoring sa ilang mga kilalang establisyemento sa lungsod, kamakailan.
Nagbigay na rin umano sila ng pricelist na kung saan makikita ng mga konsyumer ang mga nararapat na presyo para sa mga item.
May ilan rin umanong nasitang mga produkto na hindi akma ang presyo sa cashier at sa price tag na agad naman nilang pinapalitan.
Dahil sa patuloy parin na paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ay hindi parin umano tiyak at posible pang magbago ang mga presyo ng mga pang Noche Buena.