P500 million, inilaan para sa vaccine injury compensation package – PhilHealth

Aabot sa 500 milyong piso ang inilaan para sa vaccine injury compensation package.

Ito ang inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga indibiduwal na nabakunahan na laban sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo, ang nasabing pondo ay magsisilbing trust fund na nakamandato ilalim ng Republic Act 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.


Sakop aniya ito ang mga claims mula March 3, 2021 hanggang March 2, 2026 o sa ilalim ng National Vaccination Program period.

Maaari itong palawigin kung aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magkakaroon ng adjudication process o causality assessment kung saan dito aalamin kung babayaran ng PhilHealth ang isang pasyente lalo na kung ang bakuna mismo ang nagdulot ng adverse event.

Aniya, ang case rate ang pagbabasehan sa pagbabayad.

Maaaring mag-procure ang pribadong sektor ng bakuna basta may koordinasyon sa Department of Health (DOH).

Facebook Comments