Naghain ng panukala si Quezon City Councilor Winnie Castelo na naglalayong maglaan ng P500 million na pambili ng COVID-19 vaccine sa sandaling available na ito sa merkado.
Sa ilalim ng Ordinance No. CC-333, ipinasasama ni Castelo ang naturang pondo sa 2021 budget ng city goverment.
Ani ni Castelo, dapat nang paghandaan ng Quezon City -Local Government Unit (QC-LGU) ang sarili nitong vaccination program.
Isinusulong niya na gawing libre sa mga mahihirap at nakatatanda ang vaccine.
Kabilang sa mga bansa na nasa final stage na ng pagdevelop ng vaccine ay ang United States, United Kingdom, China, Brazil at France.
Nauna na ring nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa China na unahing bigyan ng bakuna ang Pilipinas sa sandaling mauna itong makatuklas ng lunas sa virus.