Ipinapanukala ng pamahalaan ang ₱500 million para sa pagpopondo ng indemnification sa mga makakaranas ng side effects matapos mabakunahan ng COVID-19.
Nabatid na ang kawalan ng Vaccine Indemnification Law ang dahilan ang kung bakit naantala ang pagdating ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines mula sa COVAX facility.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., inirekomenda ng Finance Department ang 500 million pesos na indemnification fund at isinumite na nila ang proposal na ito sa COVAX.
Hinihintay nila ang detelye mula sa mga abogado ng Pfizer para sa additional requirements.
Dagdag pa ni Galvez, ang indemnification agreement kailangang malagdaan kasama ang COVAX facility at sa bawat COVID-19 vaccine manufacturer na nagsu-supply sa COVAX facility, kabilang ang Pfizer-BioNTech.
Bukod dito, kailangang maipasa ng Kongreso ang panukalang Indemnification Law.