P500 na buwanang ayuda, bitin pa rin ayon sa isang kongresista

Umaalma ang ilang mga kongresista sa panibagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas sa P500 mula sa dating P200 ang ayudang matatanggap kada buwan ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sa pahayag ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, dapat lamang na ibigay ang ayuda sa mga naghihirap na kababayan pero ang limandaang pisong buwanang ayuda ay hindi sapat.

Bitin aniya ang ayuda laban sa mahal na presyo ng langis, mga serbisyo at bilihin.


Banat tuloy ng mambabatas, kung kinolekta lamang ng administrasyon ang “P203 billion estate tax” ng pamilya Marcos o naging maayos ang koleksyon ng iba pang mga buwis na mas malaki sana ang maipang-aayuda sa mga mahihirap na Pinoy.

Muli namang inihirit ng kongresista na pinakamabilis at mas ramdam na solusyon ay ang pansamantalang pagsuspinde muna sa excise tax ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments