
Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) ang naging kanilang pahayag hinggil sa P500 na halaga ng pang Noche Buena sa bawat pamilya.
Ito’y kasunod na rin ng pambabatikos ng publiko hinggil sa halaga at presyo ng mga bilihin ngayon.
Sa eklusibong panayam ng DZXL RMN Manila, sinabi ni Trade Sec. Cristina Roque na, nakadepende naman talaga sa miyembro at kung magkano ang gagastusin nila pagdating ng Pasko.
Humiling naman si Roque na sana’y pinakinggan muna ang kanyang eksplanasyon gayong iba kasi ang naging dating sa publiko hinggil sa pagba-budget sa Pasko.
Una nang binatikos ng ilan sa ating mga kababayan ang naging pahayag ng kalihim matapos na sabihin nitong kasya ang P500 para sa handaan ngayong Kapaskuhan.
Facebook Comments









