
Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi realistic o hindi makatotohanan ang itinakda ng Department of Trade and Industry (DTI) na P500 na pang-Noche Buena para sa apat na miyembro ng isang pamilya.
Ayon kay Gatchalian, kung paguusapan ang Noche Buena, hindi hamak na mas mataas pa sa P500 ang dapat sa handaang ito.
Kung ang isang pamilya aniya na may limang miyembro, papatak na tig P100 lang ang bawat isa.
Paliwanag ng senador, kung bibili ng karne o meat products na panghanda ay tiyak na mas mahal pa sa P100 ang presyo nito.
Sa ilalim naman aniya ng administrasyong Marcos ay nananatiling mababa ang inflation at hindi tayo lumalagpas sa 2% dahilan kaya nananatiling mababa at hindi nagtataas ang presyo ng bigas at mga pagkain.
Mahalaga aniya ngayon na consistent na mababa ang inflation dahil kung tataas ang presyo ay dagdag ito sa magiging hinaing ng mga tao.









