P500 unconditional cash transfer sa mga pinakamahihirap, hiniling sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong muli sa Kamara ni House Deputy Speaker at 1-PACMAN Party-list Representative Mikee Romero ang panukala para itaas sa P500 ang natatanggap na buwanang unconditional cash transfer (UCT) ng mga pinakamahihirap na Pilipino sa bansa.

Sa House Bill 184 ni Romero, mula sa kasalukuyang P200 na UCT kada buwan na ipinamamahagi ng gobyerno sa mga mahihirap ay itinutulak na itaas ito sa P500 kada buwan.

Tinatayang aabot sa 22 million na mga ‘poorest of the poor’ ang makikinabang sa dagdag na financial assistance.


Layunin ng panukala na maibsan ang negatibong epekto sa ekonomiya ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) or TRAIN law.

Giit ni Romero, mas makatotohanan ang P500 na social subsidy ng gobyerno para sa mga mahihirap para pandagdag sa kanilang pangkain, edukasyon ng mga anak at sa kalusugan.

Tataas din sa P44 million ang hihilinging pondo sa UCT sa 2020 na kukunin naman sa projected revenue P150 billion ng TRAIN Law.

Facebook Comments