P5,000 AYUDA PARA SA MGA PHILIPPINE ID HOLDER, PINABULAANAN NG PSA REGION 2

Cauayan City – Mariing pinabulaanan ng Philippine Statistics Authority Region 2 ang bali-balitang may ibinibigay na P5,000 ayuda para sa mga holder ng Philippine ID o National ID.

Sinabi ng Registration Officer III ng PSA na si Maria Iseendra Miguel, na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyong ito at isa umano itong uri ng modus upang lokohin ang publiko.

Nilinaw nito na pawang walang katotohanan na ang PSA ay nagbibigay ng nabanggit na ayuda sa mga rehistrado at may hawak ng Phil ID.


Samantala, sa kabila ng kumakalat na fake news sa social media, patuloy pa rin nilang hinihikayat ang publiko na magparehistro na para sa National ID upang sila ay makakuha ng iba’t-ibang serbisyong hatid ng gobyerno.

Facebook Comments