P5,000 CASH ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA RICE FARMERS

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng tulong pinansiyal ang mga rice farmers sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ang cash assistance na ito ay nagmula sa Lokal na Pamahalaan ng Tumauini katuwang ang Department of Agriculture Regional Field Office No. 02.

Ang programang ito ay sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program (RFFA) kung saan nakatanggap bawat benepisyaryo ng limang libong piso.


Ang nasabing cash assistance ay ibinigay ng ahensya ng Agrikultura para sa mga kwalipikadong magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA).

Facebook Comments