Isinagawa kahapon ang sabay-sabay na distribusyon ng P5,000 cash assistance para sa mga rehistradong miyembro ng TODA sa apat na lungsod sa lalawigan, bilang tulong sa kanilang kabuhayan sa gitna ng krisis sa langis.
Isa sa mga maaga nang pumila si Mang Doming dahil aniya, nararapat lamang na tiyagain ang pagpila para makakuha ng ayuda lalo at kasama umano siya sa listahan ng mga siguradong benepisyaryo.
Iginiit naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, sinisikap ng tanggapan na kahit papaano’y makatulong sa pinansyal na aspeto ng mga pumapasadang pampublikong sasakyan bilang isa sila sa mga naaapektuhan sa patuloy na pagsirit sa presyo ng produktong langis.
Isinagawa rin ang distribusyon sa mga lungsod ng Dagupan at San Carlos at maging sa ilang bahagi ng Ilocos Region.
Tiniyak naman ng tanggapan ang patuloy na pamamahagi sa mga benepisyaryo upang maibsan ang epekto ng kasalukuyang krisis sa kanilang araw-araw na pamumuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










