P50,000 halaga ng Cellphone ng isang Guro, Ninakaw; Suspek Arestado

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang binata matapos umanong pagnakawan ang isang guro ng Batanes State College nitong May 1, 2021.

Batay sa imbestigasyon ng Basco Police Station, kinilala ang suspek na si Mark Angelo Dela Cruz,19-anyos,isang construction worker, tubong Bagumbayan, Taguig City, at kasalukuyan namang naninirahan sa Basco, Batanes.

Dakong alas-singko (5:00) ng umaga noong May 1 ng maganap ang Robbery hold-up sa Sitio Vayang, Barangay San Antinio at ang biktima ay isang guro na kinilalang Vilma Baccay, 53-anyos, at guro ng nasabing kolehiyo.


Nahablot umano ang bag na dala-dala ng biktima na naglalaman ng isang cellphone na may halagang 50,000 at pera na P800.00.

Nahaharap sa kasong Robbery with Violence and Intimidation ang suspek na nasa pangangalaga ngayon ng mga otoridad.

Facebook Comments