Pinapataaasan ng Makabayan Bloc sa salary 19 o P50,000 ang “minimum salary” kada buwan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Nakapaloob ito sa inihain nilang House Bill 9920 na layuning makasabay ang sweldo ng mga guro sa kasalukuyang “cost of living” at taas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ang mga guro ang nagsisilbing “frontliners” sa sektor ng edukasyon, kaya nararapat silang magkaroon ng disenteng buhay, kompensasyon, at iba pang benepisyo.
Dismayado si Castro na sa ngayon ay parang “busabos” ang mga guro dahil napakaliit ng kanilang sweldo kahit itinuturing silang propesyunal.
Facebook Comments