P50,000 sahod sa mga volunteer doctor, handang isulong ng kongreso

Handa ang mga mambabatas na maglaan ng pambayad sa mga volunteer health workers katumbas ng regular na sahod ng kanilang counterparts.

Kasunod ito ng mga batikos sa Department of Health (DOH) dahil sa pag-aalok ng PHP500 na arawang sahod sa mga volunteer doctor at nurse sa gitna ng laban kontra covid-19.

Ayon kay Dr. Geneve Reyes, secretary general ng health action for human rights, dapat na bayaran ang mga volunteer doctors ng PHP50,000 kada buwan na entry-level salary grade ng mga government-hired physicians.


Habang ang mga nurse ay dapat na tumanggap ng PHP22,000 kada buwan.

Sabi ni ACT-CIS Representative Eric Go Yap, maaari namang imungkahi ng kongreso sa executive branch na ilaan ang tinatayang PHP40-million mula sa PHP275-bilyong pondo para sa COVID-19 at ilaan para sa pangangailangan ng mga frontliners.

Pwede rin aniya nilang itulak ang panukalang PHP1.6 billion supplemental budget.

Giit ni Yap – itinataya ng mga frontliner ang kanilang buhay para sa publiko kaya dapat lang na bigyan sila ng bayad na katumbas ng tinatanggap ng mga doktor at nurse.

Nabatid na nasa 593 “health warriors” ang pumayag na maitalaga sa tatlong government hospital para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Facebook Comments