
Kinalampag ng grupo ng mga nurse ang South Gate ng House of Representatives dahil sa talamak na korapsyon sa pamahalaan habang nakakalimutan umano ang miserableng kondisyon ng mga nurse sa bansa.
Ayon kay Alliance of Health Workers (AHW) officer Edwin Pacheco, ang ₱6.79-trillion national budget para sa taong 2026 ay blueprint ng “plunder” at “neglect.”
Ipinanawagan din ng grupo na taasan ang sahod ng mga nurse na ang kasalukuyang minimum wage ay ₱695 kada araw.
Nais ng grupo na magkaroon ng ₱50,000 monthly starting salary para sa lahat ng nurse.
Kasama rin sa panawagan ng grupo ang wakasan ang kontraktuwalisasyon at magbigay ng regular at secure na trabaho sa kanilang hanay.
Hiling din ng grupo ang pag-recover sa mga ninakaw na pondo ng bayan na napunta sa mga kontrobersyal na flood control projects at ilaan ito direkta sa health care at social services.









