P500,000 halaga ng Marijuana na Nadiskubre sa Kalinga, Pinagsusunog

Cauayan City, Isabela- Aabot sa kalahating milyong piso (P500,000) ang halaga ng mga sinirang plantasyon ng marijuana ng pinagsanib na pwersa ng First Kalinga Provincial Mobile Force Company (1st KPMFC) sa Sitio Leb, Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Tinatayang nasa 200 sukat ang lupain na pinagtaniman ng humigit kumulang 1000 dahon ng marijuana.

Ayon kay Provincial Director PCol. Davy Vicente Limmong, nagpapakita lamang ito na walang tigil sa anti-illegal operation ang pulisya at babala na rin aniya ito sa mga nagtatanim na itigil na ang iligal na aktibidad.


Aniya, hindi titigil ang kapulisan na masawata ang bentahan ng droga sa probinsya

Samantala, nadiskubre din ng mga operatiba ang kalapit na plantasyon na nasa 300 sukat at nasa mahigit kumulang 1,500 na tanim at tinatayang nagkakahalaga ng P300,000.

Hinikayat naman nito ang publiko na makipagtulungan sa pulisya para sa aagarang aksyon.

Facebook Comments