Umabot na sa P51.14 billion ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA mula July 2022 o mula nang maupo ang administrasyong Marcos hanggang noong October 2024.
Kabilang sa mga nakumpiska ay shabu, cocaine, ecstasy at marijuana.
Ayon sa PDEA, resulta ito ng mahigit 87,000 anti-drug operations na isinagawa.
Mahigit 119,000 drug personalities naman ang naaresto kabilang ang mahigit 7,000 high value target.
Nasa mahigit 1,200 naman na mga laboratoryo ang nalansag at umaabot na sa 29,211 ang drug cleared na barangay.
Facebook Comments