Tuesday, January 27, 2026

P516-m na halaga ng ipinagbabawal na sigarilyo, nakumpiska ng bir at DILG sa Valenzuela City

Kabuuang P516,795,424 ang halaga ng ipinagbabawal na sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa Valenzuela City.

Nadiskubre sa lugar ang 1,274 master cases ng ipinagbabawal na sigarilyo.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng BIR na hindi ito nakakasunod sa mandatory internal revenue stamp requirement sa ilalim ng tax code.

Ibig sabihin, hindi ito nagbabayad ng excise taxes.

Ang pagkadiskubre ng produktong sigarilyo ay itinuturing ng kawanihan na malaking tagumpay sa patuloy na laban sa iligal na kalakalan ng sigarilyo sa bansa.

Una rito, nakatanggap ng report ang DILG kaugnay sa iligal na kalakaran at pagbebenta ng sigarilyo.

Agad namab itong ipagbigay alam sa BIR at isinagawa ang operasyon at tumambad sa mga otoridad ang kahon-kahong kontrabando.

Facebook Comments