P54-M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Muntinlupa

Tinatayang nasa P54 milyong halaga ng suspected shabu ang nasabat sa buy-bust operation sa Muntinlupa City kahapon.

Arestado sa operasyon sina Renzy Louise Javier Vizcarra at Red Lewy Javier Vizcarra na sinasabing major players sa drug distribution network sa lungsod.

Ikinasa ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon sa isang fastfood outlet sa Barangay Tunasan.


Katuwang ng PNP ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Bukod sa walong kilo ng shabu, nakumpiska rin sa mga suspek ang tatlong cellphone, isang Toyota Innova at boodle money.

Facebook Comments