P540-B utang ng Pilipinas, inaprubahan ng BSP

Muling pinautang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang national government ng P540 billion bilang tugon sa COVID-19 response ng bansa.

Ito na ang pangatlong zero-interest loan na ibinigay ng BSP sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Budget and Management (DBM), aabot na sa P500.7 billion ang nagagastos ng gobyerno sa COVID-19 response hanggang nitong Disyembre 19, 2020.


Umabot naman sa P1.38 trillion ang naipautang ng BSP sa gobyerno simula pa noong Marso.

Facebook Comments