Arestado ang dalawang katao sa bisa ng ikinasang magkasunod na buy-bust operation ng awtoridad sa Aringay, La Union.
Unang nasakote ang 37 anyos na nahulihan ng 35 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P238,000.
Tiklo rin sa magkaparehong araw ang isang 29 anyos na lalaki matapos itong mahulihan ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng abot P340,000.
Nasa kustodiya na ang mga ito ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







