P5K AYUDA PARA SA MGA NABAGYONG SUMISIGAY SA DAGUPAN CITY, NAIPAMAHAGI NA

Direktang naibigay kahapon sa mga apektadong mangingisda na may partially damaged na tahanan sa Dagupan City, ang ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development Office bunsod ng Bagyong Uwan.

Nasa 691 na sumisigay sa lungsod ang tumanggap ng tig-P5,000 na tulong pinansyal.

Ayon sa Pamahalaang Panglungsod, bunga ng puspusang pagtanggap ng intake sa mga nasalanta ng bagyo ang naging distribusyon na naproseso din agad sa national government.

Tiniyak ng tanggapan ang patuloy na pagtulong sa mga sektor at indibidwal na nangangailangan ngayong Pasko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments