
Naibalik sa isang pasahero ang P5K cash mula sa pangangalaga ng mga kawani ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Ito ay natagpuan sa hallway ng arrival area ng Butuan Airport ng mga tauhan ng Civil Security and Intelligence Service (CSIS) at Engineering Support Services and Infrastructure, kung saan agad itong dinala sa lost-and-found para sa maayos na pangangalaga.
Naibalik ang P5,000 sa pasahero ng Cebu Pacific mula sa Maynila.
Sa Laguindingan Airport naman, natagpuan ang isang clutch bag na naglalaman ng passport, passbook at P100,000 ang naibalik na rin sa may-ari nito.
Habang ang isa pang insidente ng lost and found, na clutch bag rin na naglalaman ng pitaka na may cash, passbook at ilang IDs ang natagpuan naman sa may check-in area, ng Puerto Princesa airport ng isang kawani ng CAAP, ay nasa pangangalaga pa rin ng CSIS para sa safekeeping.









