P5M, INILAAN SA KONSTRUKSYON NG MULTI-PURPOSE HALL SA LABINAB

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan ang konstruksyon ng limang milyong pisong halaga na Multi-Purpose Hall sa Brgy. Labinab, lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Juanito Estrada, sinimulan ang konstruksyon noong nakaraang buwan ng Hunyo, at aabutin ito ng apat na buwan bago matapos.

Aniya, ang nasabing proyekto ay kanyang hiniling kay Congressman Faustino “Inno” Dy, na sya namang pinondohan ng limang milyo piso.


Dagdag pa niya, ang ipapatayong multi-purpose hall ay may dalawang palapag, kung saan ang nasa ibaba ay gagawing opisina ng Sangguniang Kabataan, habang evacuation center naman sa ikalawang palapag.

Ang proyektong ito ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa paparating na tag-ulan o sa anumang kalamidad.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments