P6.2 milyon, nakolekta ng Anti-Smoking ban!

Baguio, Philippines – Mahigit P6.2 milyon ang nakolekta ng Baguio City anti-smoking task force mula noong 2018 hanggang 2019.

Ayon kay Doktora Donnabel Tubera ng Baguio City Health Services Office at namumuno ng Anti-smoking Task Force, na mapupunta ang mga nakulektang multa sa trust funds, para magamit naman sa kanilang tabacco control program.

Anya pa, na kahit malaki ang kanilang nakolekta, hindi sila naging masaya sa resulta, dahil mas nadagdagan ang mga lumabag sa ordinansa na naitala sa kanilang Data noong Desyembre 2019, kasabay ng pagdami ng tao na dumarayo sa lungsod,  Higit 580 ang para sa mga indibidwal at 72 na establishimento ang lumabag dito, sumatutal na 652 ang naitala nila kumpara noong mga nakalipas na buwan ng 2019,


Ngunit 100 indibidwal at 21 na establishimento lamang ang nagbayad ng multa

Dagdag pa nya na ang kampanya laban sa mga naninigarilyo sa pampublikong lugar ay may magandang mensahe sa ating syudad na mahigpit talaga ang pagpapatupad ng batas ukol dito  

Ayon din sa kanilang pagsasaliksik, simula noong bago maipatupad at noong napatupad na ang ordinansa, mula 34 percent bumaba ang pursyento ng mga naninigarilyo ng 17 percent.

Naniniwala sina Doctora Tubera na ang City Council ay nakagawa ng magandang polisiya sa pamamagitan ng pagkolekta ng mataas na multa para sa mga lumalabag sa ordinansa.

Sa buong taong ng 2019, mahigit kumulang 3288 na indibidual ang nahuli at 729 dito ang nakapagbayad ng multa, samantalang 1194 na establishimento naman ang lumabag sa ordinansa ngunit 561 lang ang nakapagbayad ng multa at sa mga hindi naman nakapagbayad na mga establishimento, kailangan nilang bayaran ang kanilang paglabag bago sila makapag-renew ng kanilang mga permit.

iDOL, epektibo ba ang hakbang ng Baguio?

Facebook Comments