P6.4 billion pondo para sa mga healthcare workers, naibalik na sa national treasury

Naibalik na sa Bureau of Treasury ang P6.4 bilyong pondo ng Department of Health (DOH) para sa allowance ng mga healthcare workers.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa paggamit ng pondo ng DOH, sinabi ni Marikina City Representative Stella Quimbo na P13.5 billion ang inilaan para sa benepisyo at allowance para sa mga healthcare workers.

Ngunit nang tinanong kung magkano na ang natira rito ay sinabi ni DBM Officer-in-Charge Tina Rose Canda ay wala na dahil ang pera ay naibalik na umano sa National Treasury.


Paliwanag pa ni Canda, expired o paso na ang bayanihan 2 dahilan upang ibalik na ang hindi nagamit na pondo na aabot sa p6.4 billion.

Nabatid na tinatayang nasa 384,159 health care workers sa kabuuang 526, 547 na pangalan na isinumite ng DOH ang nakatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Bayanihan 2.

Facebook Comments