P6.4 B SHABU SMUGGLING | Customs Broker Mark Taguba, ipinaaresto ng Manila RTC

Manila, Philippines – Ipinaparesto na ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ang Broker na si Mark Taguba hinggil sa pagkakasangkot nito sa smuggling ng 6.4 billion na shabu papasok ng bansa.

Base sa pinirmahang Warrant of Arrest ni Judge Rainelda Estacio Montesa, kabilang sa pinapaaresto ay sina Manny Li, Kenneth Dong, EMT Trading Owner Eirene Mae Tatad, Customs Broker Teejay Marcellana, Taiwanese Nationals Chen I-Min at Jhu Ming Jyun at Chen Rong Huan.

Tanging si Hongfei Logistics Group of Companies Chair, Richard Chen alyas Richard Tan ang hindi pinapaaresto matapos na magsumite ito ng motion to dismiss the case.


Wala namang inilabas na halaga ng piyansa ang korte para sa mga pinapaaresto nito.

Facebook Comments