P6.4B SHABU SHIPMENT CASE | Senator Bam Aquino, iginiit na dapat may BOC officials din na managot

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Bam Aquino na dapat ay may mga opisyal at tauhan din ng Bureau of Customs o BOC ang managot sa paglusot sa bansa ng 6.4 billion pesos na shabu galing sa China.

Ang pahayag ay ginawa ni Aquino kasunod ng pagpaaresto sa ilang indibidwal na sangkot sa nabanggit na drug smuggling kung saan wala kahit isang BOC official ang kasama.

Binigyang diin ni Aquino na kung seryoso talaga ang Duterte administration sa pagresobla sa problema sa iligal na droga ay dapat habulin at papanagutin ng Department of Justice (DOJ) ang sinuman sa BOC na dawit sa nabanggit na kaso.


Ipinunto ni Senator Aquino na hindi magkakaroon ng lakas ang loob ang kahit na sino na magpuslit ng bilyun-bilyong pisong halaga ng iligal na kontrabando kung walang itong kasapakat sa BOC.

<#m_-1961027820956959679_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments