Tuloy-tuloy sa pagtulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan nang pananalasa ng Bagyong Aghon.
Kaugnay nito, umaabot na sa P6.7 million ang halaga ng tulong ang naipaabot sa mga apektado ng bagyo partikular na sa mga residente ng CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 at Region 7.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga tulong na naipagkaloob ay accommodation at transportation, family food packs, food assistance, hot meals, packed meals hygiene kits, malong at iba pa.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng NDRRMC sa mga miyembro ng kanilang response clusters para sa pagtukoy sa iba pang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo at para sa pinaka huling halaga ng danyos.
Sa pagtaya ng NDRRMC, nasa 16,404 na pamilya o katumbas ng mahigit sa 51,000 mga inidbidwal ang apektado ng bagyo mula sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions 3, 5, 7, 8 at NCR.
Nanatili naman sa aim ang kumpirmadong nasawi, isa ang sugatan habang ang pitong injured ay sumasailalim pa sa berepikasyon.