P6.8 BILLION | Umano ay nakapuslit na shabu sa MICP, hindi raw gusto pagtakpan ng BOC

Manila, Philippines – Walang layong pagtakpan ng Bureau of Customs (BOC) ang Umano ay bilyon- bilyong halaga ng shabu na mula sa mga magnetic lifter na natagpuan sa Cavite.

Ayon kay Customs Spokesperson Dino Austria – katunayan, si Customs Commissioner Isidro Lapeña pa ang nag-utos na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil dito.

Hindi aniya nagsisinungaling ang mga opisyal ng customs dahil gusto rin nilang malaman ang buong katotohanan.


Binanatan din ng opisyal si Atty. Maria Lourdes Mangaoang, ang deputy collector for passenger service ng naia na nagsabing walang ginagawang aksyon si Lapeña nang ipaalam nila dito ang tungkol sa mga magnetic lifter.

Matatandaang pinaburan ni Atty. Mangaoang ang assessment ni PDEA Director Aaron Aquino hinggil sa naipuslit na shabu.

Naipadala na sa komite na ng Senado at kamara ang mga x-ray images para sa isinasagawa nilang sa imbestigasyon.

Facebook Comments