P6.8 milyong halaga ng shabu, nakuha sa 3 drug suspek sa Taguig

Arestado ang tatlong drug suspek matapos na makuhaan ng isang kilo ng shabu na may street value na 6.8 million pesos sa Lot 51, Purok 6 Upper Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang mga naarestong drug suspek na sina Nurma Batabol, 45 anyos, Manny Haron, 54 anyos at Adzmin Magalang, 25 anyos.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office, nagsagawa ng buy-bust operation ang Masambong Police Station 2 at Regional Special Operations Group (RSOG) dahilan para makuha sa mga suspek ang isang kilo ng shabu.


Nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Facebook Comments