Itinaas pa sa P6 milyon ang pabuya para mahuli ang pinuno ng mga nalalabing miyembro ng teroristang grupong Maute na si Abu Dar.
Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Colonel Romeo Brawner, nag-ambagan ang mga lokal na opisyal ng Lanao del Sur para mabuo ang P6 milyong pabuya mula sa P3 milyon.
Aminado naman si Brawner na may mga miyembro ng Maute ang nagpapanggap na mga residente at sumasama sa mga lumilikas.
Samantala, nagpadala muli ng karagdagang tropa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi City.
Kabilang na rito ang 130 sundalo mula sa 12th Civil Military Operation (CMO) “Kabukludan” Battalion at Hijab Troops o mga babaeng sundalo.
Mapapabilang sila sa Joint Task Force Ranao na ang pangunahing trabaho ngayon ay tumulong sa pamahalaan para sa gagawing recovery at rehabilitation effort sa lungsod ng Marawi.