P60-billion na kinuhang pondo sa PhilHealth, dapat ipaliwanag sa taumbayan kung saan ginamit

Pinuri ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibalik sa Philhealth ang P60 billion na kinuha ng National Government.

Kaugnay nito ay iginiit ni Rodriguez sa Department of Budget and Management (DBM) na ilantad sa Philhealth members kung saan ginamit ng pamahalaan ang nabanggit na halaga.

Umaasa si Rodriguez na walang bahagi ng P60 billion ang ginamit sa palpak at maanumalyang flood control projects.

Pinapatiyak naman ni Rodriguez sa PhilHealth na matutupad ang sinabi ni PBBM na gagamitin ang ibabalik nitong pondo sa pagpapalawak ng serbisyo at benepisyo ng mga miyembro nito.

Facebook Comments