P60-M AD DEAL | Pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersyal na kontrata sa pagitan ng DOT at Tulfo brothers, kasado na

Manila, Philippines – Sa August 14, itinakda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa kontrobesyal na 60-million pesos na advertising contract sa pagitan ng Department of Tourism o DOT sa mga programa ng magkapatid na Ben at Erwin Tulfo sa PTV 4.

Ang imbistigasyon ay tugon sa resolusyon na inihain ni Senator Antonio Trillanes IV na gumigiit na dapat masuring mabuti ang tindi ng umano ay korapsyon sa DOT at gaano kalaki ang perang nalustay ng nakaraang liderato ng DOT.

Pangunahing padadalhan ng imbitasyon para humarap sa pagdinig sina Ben at Erwin Tulfo gayundin ang kanilang kapatid na si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo.


Ipapatawag din ang pangasiwaan ng PTV4 at Commission on Audit o COA na nakatuklas sa umano ay iregularidad sa nabanggit na advertisement deal.

Imbitado rin ang kasalukuyang Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat.

Facebook Comments