P60-M na agricultural trading center, pinasinayaan ng DA sa Rosales, Pangasinan

Pinasinayaan na ng Department of Agriculture (DA) ang ₱60-million na agricultural trading center sa Rosales, Pangasinan.

Ang trading center na pinondohan sa pamamagitan ng Enhanced KADIWA Inclusive Food Supply Chain Program ay magkakaroon ng training facility na dinisenyo upang ipakita sa mga magsasaka ang mga bagong teknolohiya at turuan ang mga ito kung paano maging matagumpay na agricultural entrepreneurs.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang trading hub ay magsisilbing prototype sa mga kahalintulad na pasilidad na planong itatag sa ibang lugar ng Pangasinan na parehong pakikinabangan ng mga magsasaka at mamimili.


Plano rin ng DA na magtayo ng solar-powered cold storage facility sa tabi ng Rosales Trading Hub, sa layuning mapahaba ang shelf life ng mga sariwang ani, partikular ang mga high-value crop.

Facebook Comments