P60 million na Annex Building ng Surigao City Hall nakatakdang itayo

P60 million na Annex Building ng Surigao City Hall nakatakdang itayo Nakatakdang itayo ang P60 million na Annex Building ng Surigao City Hall matapos aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon na nagbibigay pahintulot kay City Mayor Ernesto Matugas na mangutang sa bangko para sa naturang proyekto. Sa pamamagitan ng bagong building,inaasahang ilalagay doon ang ibang departamento ng lokal na pamahalaan at mas luluwag na ang espasyo. Isang botasyon pa ang isinagawa ng SP, 8 ang pabor sa plano na kinabibilangan nina City Councilors Perfecto Consigo, Fernando Almeda III, Victor Borja, Ernest Matugas Jr., Christian Noel Catre, Jose Edradan Jr., Simeon Castrence at Liga ng Brgy. Pres. Pablo Bonono Jr. Samantalang hindi pabor si City Councilor Rise Faith Recabo dahil diumano’y mas gusto nitong ipatayo sa ibang lugar ang Annex Building nang hindi masira ang history at disenyo ng orihinal na City Hall.

Sent from my iPhone

Facebook Comments