P600-K FINANCIAL ASSISSTANCE, IBINAHAGI NG OWWA REGION 2

CAUAYAN CITY – Bilang tulong at suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at sa kanilang pamilya, nag-abot ng tulong pinansyal ang OWWA Region 2 na ginanap sa OWWA Sub-office sa Ilagan City, Isabela.

Nasa 43 OFW’s mula sa lalawigan ng Isabela ang nakatanggap ng tulong mula sa iba’t ibang programa at serbisyo ng ahensya katulad ng Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay (BPBH) Program, Welfare Assistance Program (WAP), OFW Dependent Scholarship Program (ODSP), at iba pa.

Umabot naman sa mahigit P600-K ang naibahaging tulong ng ahensya sa mga benepisyaryo.


Facebook Comments