Nakahanda na ang P600 million pondo ng pamahalaan at 500,000 food packs para sa mga lugar na maapektuhan ng Bagyong Henry.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Raffy Alejandro, maliban sa pagkain, inihanda na rin ng Office of the Civil Defense (OCD) ang iba pang relief items tulad ng tarpaulins at family packs.
Dagdag pa ni Alejandro, nasa halos 224 na barangay sa Ilocos Region ang idineklarang “landslide prone areas,” habang nasa 44 na barangay naman sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang high risk sa mga kalamidad.
Samantala, nakahanda na rin ang Quick Response Teams (QRT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Henry.
Facebook Comments