
Nasakote ang tatlong high value target habang nasa P605.2 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang interdiction operation ng Philippine National Police–Drug Enforcement Group (PDEG) sa Zamboanga City nitong Linggo ng umaga.
Ayon kay PDEG Director P/Brig. Gen. Edwin Quilates, isinagawa ang operasyon sa Brgy. Rio Hondo, Zamboanga City.
Kinilala ang mga nahuling suspek sa alyas na Baser, John, at Adil pawang may mga naunang kaso na may kaugnayan sa iligal na droga.
Sa ngayon, inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.
Facebook Comments









