P64K starting monthly salary para sa government nurses, isinulong sa Kamara

Itinutulak ngayon sa Kamara ang pagpasa sa panukalang ₱64,000 starting monthly salary para sa government nurses.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, isang urgent matter ang pagtataas sa sahod ng mga nurse sa mga pampublikong ospital.

Aniya, dapat na mabigyan ng competitive na sahod at benepisyo ang mga nurse upang maipagpatuloy nila ang pagseserbisyo sa bansa.


Matatandaang sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, author ng House Bill 5276 na layong amyendahan ang Philippine Nursing Law, na banta sa healthcare industry ng Pilipinas ang pagtatrabaho ng maraming Pinoy nurse sa ibang bansa na nag-aalok ng mas maraming benepisyo sa kanilang propesyon.

Facebook Comments