P66 billion stimulus package para sa agrikultura at mga magsasaka, hiniling ng DA sa Kamara

Aabot sa P66 Billion na stimulus package para sa agrikultura ang hiniling ng Department of Agriculture (DA) sa Kamara.

Sa ginanap na virtual hearing ng House Committee on Agriculture, binigyan diin ni Agriculture Secretary William Dar na kaakibat ng banta ng COVID-19 pandemic ay ang banta naman ng gutom kaya dapat matugunan ang food sufficiency sa gitna ng krisis.

Pinakamalaking bahagi sa isinusulong nilang stimulus package ay ilalaan sa Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) kontra COVID-19 Program na may halagang P31 billion.


Sa P31 Billion, ilalaan ang P3 billion para sa Social Amelioration Program (SAP) sa mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, nasa P20 billion naman ang hinihinging alokasyon ng DA para sa food logistics o food markets.

Aabot naman sa P15 billion ang alokasyon na ilalaan ng DA para sa Cash for Work (C4W) Program, na maaring makapagbigay ng trabaho sa 1 million agri-fisheries workers kapalit ang pasahod na aabot ng hanggang P15,000.

Facebook Comments