P68-M halaga ng shabu, nasabat ng PNP at PDEA sa isang subdivision Dasmariñas, Cavite

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang miyembro ng kilabot na sindikato ng iligal na droga na nag-o-operate sa Gitnang Luzon, NCR at Mindanao.

Ito ay matapos ang kanilang ikinasang operasyon sa isang subdivision sa Dasmariñas, Cavite kagabi.

Kinilala ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang nahuli na si Michael Lucas alias “Boy Muslim”.


Nasabat sa kanya ang may 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 68 milyong piso.

Nakuha rin sa suspek ang tatlong weighing scale at mga identification card.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang ang iba pang mga kasabwat nito.

Facebook Comments